100% Biatch....

9:37:00 AM







May pagkakataon talagang maiisip mong tama na, sobra na... Yung tipong hindi mo gustong maging 100% Biatch pero di mo mapigilan dahil sa sobrang inis mo... Yung tipong kulang na lang manugod ka ng tao at ipagsigawan mo sa harap niya kung gaano siya katanga... Pero sa bandang huli, hindi mo pa rin magawa. Lahat talaga ng lugar uso ang PAMUMULITIKA... Hindi lang sa gobyerno, sa showbiz, sa pamilya... Kahit sa trabaho... Bwiset... Bwiset talaga... Yan na lang ang tanging katagang mamumutawi sa bibig mo.... Dahil alam mong kahit ano pang mangyari, mga HARI at REYNA pa rin ang masusunod. Wala kang magagawa... Bakit??? Ano ka ba??? Simpleng alila na nabubuhay para paglingkuran ang mga HARI at REYNA... Sunod-sunuran... Haay... Daming mali dito... Pagod na ako sa trabaho ko... May saysay ba ito?!? Ewan ko ba... Ganito siguro kapag mainit ang ulo mo... Nagiging walang saysay mga naiisip mo....


Kailangan kong maging POSITIBO!!! Ngayon na....



You Might Also Like

0 comments